Noong Pebrero 7, 2022, inaprubahan ng Korte ang Pahintulot na Kautusan sa Babu, et al., v. County of Alameda, et al., N.D. Cal. No. 5:18-cv-07677. Ang Babu case ay isang pederal na paghahabla ng mga miyembro ng grupo na humihiling ng: kasapatan sa pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan at paggamot sa Piitan; pagsugpo sa pagpapakamatay at paggamit ng mga ligtas na selda; labis na paggamit ng pagbubukod at kasapatan sa oras sa labas ng selda; access sa mga programa, serbisyo at mga aktibidad lalo na sa mga taong may kapansanan sa kalusugan ng isip; pagpaplano sa pagpapalabas sa mga taong may kapansanan sa pag-iisip; kasapatan sa akomodasyon sa pandisiplinang mga paglilitis at paunang plano sa paggamit ng puwersa na mga insidente sa mga taong may kapansanan sa kalusugan ng isip; at ang pangkalahatang patakaran, pamamaraan, at kasanayan may kaugnayan sa COVID-19 sa ngalan ng lahat ng taong nakakulong sa Piitan.

Ikaw ay isang miyembro ng grupong ito kung ikaw ay kasalukuyang nakapiit sa Santa Rita Jail. Ang Babu case ay tungkol lamang sa pagpapahusay ng mga kundisyon ng Kulungan at hindi humihingi ng pera para sa danyos. Walang sinumang nakakulong sa Piitan ang tatanggap ng anumang pera bilang resulta ng paglilitis na ito. Hindi rin nagbibigay ng anumang paghahabol para sa pera dahil sa danyos ang panukalang Pahintulot na Kautusan na maaaring mayroon ang mga miyembro ng grupo, o nakakaapekto sa inyong karapatan o kakayahan na humiling ng kasulatan ng utos ng hukuman.

Ang County ay nakipagtulungang mabuti sa mga abugado para sa grupo ng Nagsasakdal upang lutasin ang mahihirap na isyu sa kasong ito sa pamamagitan ng Pahintulot na Kautusan. Iginawad ng Korte ang pinal na pag-apruba ng Pahintulot na Kautusan sa usaping ito pagkatapos isagagawa ang pampublikong pagdinig. Ang mga partido ay nakikipagtulungan ngayon sa Pinagsanib na mga Dalubhasa upang ipatupad at bantayan ang mga pagbabagong kinakailangan ng Pahintulot na Kautusan. Ang Pahintulot na Kautusan ay magkakaroon ng bisa hanggang anim na taon mula sa petsa ng pinal na pag-apruba.

Binabalangkas ng Pahintulot na Kautusan ang partikular na mga kundisyon sa Piitan na napagkasunduan ng County na ayusin at kung paano patatakbuhin ang Piitan sa hinaharap. Kabilang sa mga pangunahing tuntunin ng Pahintulot na Kautusan ang mga sumusunod:

   1. Kailangan ng County na:

      a) Tiyakin na ang mga tao sa Piitan ay tumatanggap ng sapat na pangangalaga kabilang ang pagtiyak na may sapat na tauhan, nagtatatag ng mga antas ng pangangalaga, gumagawa ng mga planong paggagamot para sa karapat-dapat na indibidwal, pagbibigay ng mga serbisyong paggagamot, at pagpapatupad ng (mga) Yunit na Pabahay sa Pagpapagaling upang magbigay ng karagdagang tulong sa pangangalaga ng isip sa mga taong nangangailangan nito;

       b) Tiyakin na ang mga tao sa Piitan ay inaalok ng sapat na oras sa labas ng selda bawat araw, kabilang ang proseso para sa patuloy na dumadaming bilang ng oras sa labas ng selda na inaalok sa Piitan sa loob ng tatlong buwan ng petsa ng pagkakaroon ng bisa. Patuloy na dadagdagan ng Piitan ang dami ng oras sa labas ng selda na inaalok hangang maabot ng Piitan ang bagong pinakamababang oras sa labas ng selda na itinakda sa Pahintulot na Kautusan na mag-aalok ng: 14 oras sa labas ng selda kada linggo para sa mga tao sa Housing, Recreate Alone Status (Hakbang 1); 21 oras sa labas ng selda kada linggo para sa mga tao sa Restrictive Housing, Recreate Together Status (Hakbang 2); at 28 oras sa labas ng selda kada linggo para sa mga tao sa nakaseldang pabahay para sa Pangkalahatang Populasyon. Ang mga indibidwal na nakatira sa pinakamahigpit na pabahay sa loob ng mga Yunit ng Pabahay sa Paggagamot ay aalukin nang 28 oras man lamang sa labas na selda kada linggo at ang mga taong nakatira sa hindi gaanong pinaghihigpitan, transisyonal na mga yunit sa loob ng mga Yunit ng Pabahay sa Paggagamot ay aalukin nang 35 oras man lang sa labas ng selda kada linggo

      c) Magsagawa ng mga hakbang upang masugpo ang pagpapakamatay at pananakit sa sarili sa loob ng mga Piitan, kabilang ang labis na pagbabawas sa paggamit ng mga ligtas na selda at paglilimita sa paglalagay sa mga ito nang hindi lalampas sa 8 oras (na higit na mababawasan nang hindi lalampas sa 4 na oras pagkatapos ng pagtatayo ng mga selda kontra sa pagpapakamatay), at pagpapatupad ng mga pamamaraan at pagtatasa upang kilalanin ang mga indibidwal na nasa panganib sa oras ng pagdating sa Piitan

      d) Tiyakin na ang mga indibidwal na may mga kapansanan sa kalusugan ng isip ay makakakuha ng mga programa at serbisyo sa Piitan at tiyakin na ang mga programang ito ay inaalok sa buong Piitan, alinsunod sa kanilang mga uri; at

      e) Magpatupad ng bagong sistema ng pag-uuri na naglilimita sa paggamit at tagal ng pinaghihigpitang pabahay.

      f) Palitan ang mga polisiya at pamamaraan ng Paggamit ng Puwersa ng Piitan at sanayin ang lahat ng tauhan; at

      g) Magtalaga ng Ombudsman, humirang ng ADA coordinator at magsaayos ng Konseho ng Tagapayo ng Bilanggo.

   2. Ang pinagsamang nyutral na mga dalubhasa at Tagapayo ng Grupo ay susubaybay sa pagsunod ng County sa Pahintulot na Kautusan. Ang Tanggapan ng Katarungan ay tatanggap din ng ilang access sa Piitan at mga dokumento ay kaugnayan sa ulat ng imbestigasyon noong Abril 22, 2021.

   3. Maaaring dalhin ng mga partido sa Korte ang anumang hindi pagkakasundo kung sumusunod ba ang County o hindi sa Pahintulot na Kautusan.

   4. Ang mga abugado para sa mga taong nakakulong sa Piitan, na kilala rin bilang “class counsel”, ay ang Rosen Bien Galvan & Grunfeld LLP (RBGG). Hihilingin ng class counsel sa Korte na bayaran ng mga Nagsasakdal ang kanilang bayarin at gastos sa abugado. Kapag inaprubahan ng korte, ang Pahintulot na Kautusan ay mag-uutos sa mga Nagsasakdal na bayaran ang bayarin at gastos sa halagang $2,150,000.00 para sa trabahong nagawa na at kailangang bayaran din ng County ang singil sa pagsubaybay sa mga abugado kada taon sa buong termino ng Pahintulot na Kautusan alinsunod sa kakayahang itinakda ng Pahintulot na Kautusan.
Maaari mong basahin ang lahat ng pagbabagong ito sa Pahintulot na Kautusan.

Ang kopya ay available sa isang binder sa bawat yunit ng pabahay at sa inyong tablet. Ang Pahintulot na Kautusan ay makukuha sa: www.rbgg.com; sa pamamagitan pagkontak sa RBGG sa adres o numero ng telepono sa ibaba; o sa pamamagitan ng pag-access sa Court docket sa kasong ito sa pamamagitan ng Public Access ng Korte sa system ng Court Electronic Records (PACER) sa https://pacer.uscourts.gov/; o sa pamamagitan ng pagpunta sa alinmang opisina ng Clerk of the Court para sa United States District Court para sa Northern District of California sa pagitan ng 9:00 ng umaga at 4:00 ng hapon., Lunes hanggang Biyernes, hindi kabilang ang mga holiday ng Korte.

/ / /
/ / /

Maaari kang makipag-ugnay sa Class counsel sa:

Jeffrey Bornstein
Kara Janssen
Rosen Bien Galvan & Grunfeld LLP
101 Mission Street, Sixth Floor
San Francisco, CA 94105
SantaRita@rbgg.com
415-433-6830 (tinatanggap ang mga collect call)